Friday, October 21, 2005

Anime on Philippine TV: Ang PAG-ASA, ang mga UMAASA at ang INAASAHAN...

Ang PAG-ASA...
Cartoon Network Philippines, Animax Philippines, at Hero TV
(Anime Cable Channels)

Mas madalas, dito unang ipinakikilala ang mga pinakabagong anime series mula sa Japan... dito pa lang ay kinikilatis na natin ang istorya, mga tauhan, etc. Dito rin natin malalaman kung gaano kainit natin sila tatanggapin oras na maipalabas na ito sa ating mga local TV channels...

Para sa ating mga Pinoy anime fans, sila ang pag-asa... (lalo na sa mga may cable subscription...)


Ang mga UMAASA...
ABS-CBN 2 at GMA 7
(Local TV Channels)

Dito masusubukan ang galing ng mga Pilipino pagdating sa Tagalog dubbing... sa paglipas ng panahon, lalong nagiging pulido at halos perpekto ang pagsasalin mula sa wikang Hapon hanggang sa wikang Pilipino... sa pamamagitan ng dubbing, lalong maiintindihan ng mga manonood ang isang anime series...

Ngunit, may krisis pa rin...
Karagdagang oras para sa anime ang kailangan ng mga Kapamilya...
Mga bagong anime titles naman ang kailangan ng mga Kapuso...

Lahat tayo ay patuloy na umaasa sa kanila...


At ang INAASAHAN...
RPN 9, Studio 23 at QTV 11
(Mga bagong usbong sa anime programming)

Matagal na mula nang huling magpalabas ng anime ang RPN 9, sa ngayon ay Zoids: Fuzors ang natatanging anime na ipinapalabas doon... Inaasahan natin na lalong mapapalawig ang anime sa RPN... sa tulong ng Solar Entertainment Corporation...

Nagsimula ang Studio 23 sa Samurai X marathon at Super Gals back-to-back episodes, nasundan ito ng Final Fantasy Unlimited at Crush Gear Turbo, Rave at Angelic Layer... Inaasahan natin na hindi lang mga previous animes ang mapapanood dito... Sana, may bago rin naman...

GMA Network, Inc. na marahil ang kauna-unahan na nagkaroon ng dalawang VHF channels... Ang QTV 11 ang ikalawa... dating Zoe na pagmamay-ari ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord at Bangon Pilipinas... ilulunsad ang QTV 11 sa Nobyembre... Napapabalitaang maraming bagong animes doon, isa na dito ang Tsubasa ~Reservoir Chronicles~... Inaasahan natin na mas tatangkilikin ang QTV 11 kaysa sa GMA 7... BTW, ang QTV ay mapapanood sa VHF channel 11, channel 11 din sa ilang cable companies at UHF 27 naman sa labas ng Mega Manila...


Ang PAG-ASA, UMAASA, at INAASAHAN natin sa Anime Programming...
May dahilan pa ba para manood ng anime sa Pilipinas?

5 comments:

theBlockerPH said...

ang pagasa ng mga Anime Fans ay nasa...
PAG-ASA at sa INAHAASAHAN.

Kasi parang wala tayong makukuhang pag-asa sa 2 Sikat na local-tv dahil "BUSY" sila sa mga Corny at Boring na telenovela.

-KiRa-YaMaTo- said...

hmm

dun na lang tayo sa PAG-ASA AT UMAASA

pero sa ABS lang ako UMAASA, ewan ko na lang ang sa kabila

Umaasa pa rin ako na madadagdagan nila ang anime sa slot nila next year dahil it's their 60th year, sana maging hamon nila ang kanilang 60 years na tiwala na ibinigay natin sa kanila by providing EXTRA 2 HOURS IN DAILY ANIME

Marami sila ding mga prolific dubbers like Mike Punzalan, Wendy Villacorta, Jeff Utanes, Monty Repuyan atbp. sana wag silang masayang

sana wag maging KJ ang ABS dahil KAPAMILYA natin sila

at patotohanan nila ang slogan nilang BAWAT ANIME OTAKU,KAPAMILYA

The Bastards Have Won=latest blogger entry

Anonymous said...

:D Good job sa analysis ng situation, tol... pero tanggalin mo muna ang mga spammer dito.

Anonymous said...

Napapansin ko rin, mga ibang commenters sa post na ito na nag-aadvertise ng kanilang sariling anime blog..

Anyway, agree ako sa mga sinabi mo, na maraming nang mga istasyon na handang magpalabas ng mga anime para sa mga anime fans dito sa Pilipinas.

Problema nga lang, na nasabi na ng iba, ay pa-ulit-ulit at hindi "fresh" ang mga ipinapakita ng ABS-CBN at GMA7. Ang QTV11 daw, ipapakita yung Tsubasa Chronicles, na tapos nang ipalabas.

Iniisip ko lang kung pati yung mga bagong series sa Japan, mapag-aaralan nila kung pwedeng ipalabas sa kani-kanilang istasyon (ABS-CBN? GMA7? Studio 23? RPN9? etc.)

Anonymous said...

Kailangan pang i-retiro si Mr. Bean. Nagpapaputok na ng butse si Boogiecat dahil sa palabas na iyan.

Isa pa kahit anong reklamo niya mahirap maiperpekto ang dubbing.

Ah, well... Kelangan i-screen mo na ang mga comment posters.