Thursday, May 04, 2006

AK's B-Day Special Part 1: World Press Freedom Day (Anime Style)

MAY is yours truly's birthday month... Nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal sa aking ika-21 taong kaarawan... Maging ang aking pinakamamahal na pamilya... ang aking twin brother na si Genjo Sanzo... ang aming mga taga-suporta noon sa Hot FM San Pablo... maging ang mga kapwa ko Pinoy anime otakus sa buong bansa... lalo na sa mga nasa iGMA, ABS-CBN, QTV ay Hero TV Message Boards...

Ngayong buong buwan, ilalahad ko sa blog na ito ang aking mga nararamdaman (kung hindi man lahat) bilang isang anime fan... Hindi po biro ang aking mga naranasan dito sa San Pablo City, lalo na sa mga lumipas na mga buwan...

Inaalay ko ang bahaging ito sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day...

Hindi ko man tuwirang pinasok ang pamamahayag, sinubukan kong paglingkuran ang bayan ng San Pablo sa pamamagitan ng FM Radio. Noong mga bandang July 2004, napabilang ako, maging si Sanzo sa mga pinaka-pinakikinggang mga DJs dito noon sa Hot FM... Katuwiran ng mga tagapakinig, mahusay daw kaming makisama... Halos lahat ng mga requested songs ay agad naming napatugtog... Iyun talaga ang layunin namin, ang pagsilbihan ang kapwa... We came there to entertain people through music, no more no less...

At dumating na nga noong December 2004 ang taong ito na "pinagkatiwalaan" ng may-ari ng istasyon... Layunin umano niya na mapalago ang kita ng himpilan at kahit papaano ay magkaroon kami ng stable na sweldo... Ang una niyang ginawang paraan, ALISIN... At nabiktima nga kami... tulad ng naging panulat ko noong isang taon, naging katwiran ng taong ito na walang puwang sa media ang mga katulad naming mga kambal at anime fan... Napagalaman din namin na nagkaroon pa ng mga kaguluhan doon mula nang pwersahan kaming nawala...

8 na buwan tumagal ang "Martial Law" na iyun hanggang sa nakatanggap kami ng abiso na humihiling sa aming pagbabalik sa radyo (hindi bilang mamamahayag, kundi DJ/entertainer) at pagsapit nga ng September 2005, muling bumalik ang sigla ng Hot FM... Lalo itong lumago nang nagsimula na kaming magpatugtog ng mga anime songs (tradisyon na unang ginawa ng DWAD 1098 khz) at dahil na rin sa pagdating ng Hero TV... Umani ng papuri at pagsuporta mula sa mga otakus sa buong bansa ang ginawang programming boosting ng istasyon...

Inakala naming lahat na magiging maganda na ang takbo ng himpilan magmula noon, hanggang sa sumapit ang bagong taon, 2006. Biglang bumagsak ang audience share ng himpilan sa bigla ding pagbabago ng programming... Mula 4:00 hanggang 9:00 pm ay puro OPM (Original Pilipino Music) ang pinatutugtog... Wala namang nilalabas na patakaran ang himpilan, ayon sa KBP Radio Code... Sobra nga ito sa hinihingi ng patakaran (1 OPM song per hour)... Labag man sa kalooban at sa ngalan pa rin ng paglilingkod ay nagpatuloy pa rin kami sa himpapawid...

Bago pa man matapos ang buwan ng Pebrero 2006, nagsara na ang Hot FM San Pablo... Ang mga naging dahilan... Una, hindi na kayang tugunan ang buwanang gastuhin sa istasyon (kuryente, tubig, telepono, renta sa lugar)... Pangalawa, may mga paglabag umano ang himpilan sa NTC/KBP/MBC... Pangatlo, nagpag-alaman nilang HINDI sumasahod ang mga empleyado nila, tulad ko... At pang-apat, isang death threat ng grupong iyun laban sa may-ari, personal at trabaho ang dahilan nila... Hindi naman daw damay ang mga nagtatrabaho na tulad ko... pero gusto nilang manipulahin ang programming ng himpilan...

Kung programming namin ang tatanungin, maraming demands ang grupong ito... Una, 6 hours of news per day... Pangalawa, 5 hours of OPM per day... Sa opinyon namin noon, hindi na siya balanse... At tuwirang pinatama nila ang mga anime songs... kahalangan daw ang anime sa mga kabataan ngayon... Kung ito ang pananaw nila, sana napigilan na nila nito... NOON PANG 1970s!

Ang sabi sa amin ng soulassasin547 sa ABS boards: "Hindi karapat-dapat na upakan kayo't sarhan pa dahil lang sa nagagawa ninyo na mag-entertain ng tao (sinong tao ba ang makakapag-trabaho pag wala siyang radyo na nagpapatugtog ng magagandang himig?)"

Bilang hamak na mamamayan, kinokondena namin ang pagpatay sa mga taong media at pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag...

Sa panig ng Media, Violence is not the answer...

Sa panig ng mga Pinoy Anime otakus...
Threatening and discriminating are against the law...
Threatening and discriminating is an act of cowardliness...
Threatening, discriminating and killing will lead to nothing...

Susunod sa AK's B-Day Special:
My Happiness as Anime Otaku

No comments: