Wednesday, May 10, 2006

AK's B-Day Special Part 2: My Happiness as Anime Otaku

Noong bata pa ako, masaya na ako noong napapanood ko pa sa IBC 13 ang Voltes V at Daimos, maging ang Maskman, Shaider at Bioman... pati rin pala Mask Rider Black at Candy Candy... maging and Cedie at Sarah... hindi ko pa alam ang salitang ANIME noon...

Parehong kasiyahan ang naramdaman ko noong 1996 nang matunghayan ko ang Magic Knight Rayearth, isa sa mga pinakamagandang series na napanood ko sa buong buhay ko... Mula noon, naroon na ang pagkagutom ko sa mga katulad nito...

Hanggang sa dumating ang March 1998... Hindi ko inaasahan ang pagpapalabas ng Kaitou Saint Tail sa RPN 9... hanggang sa lumitaw sa gag show na Bubble Gang ang segment na Ang Dating Doon na naglaon ay kinakanta na nila ang theme song na Voltes V... Iyun pala ay palatandaan na ang pinakapaboritong serye ng bansang ito ay muling magbabalik sa telebisyon... Iyon ang panahon na pinakamasaya para sa akin...

Taong 2000, napagpasiyahan ko at ng twin brother ko na magtipon ng mga anime stuffs na pwede naming mapakinabangan sa mga darating na panahon... Nariyan ang mga anime soundtrack CDs (70 CDs na), mga anime mp3s na nakastore sa CD-ROMs, ilang anime VCDs, Questor magazines, posters, etc...

Hindi nagtagal ay sumali na rin ako sa mundo ng mga anime fanatics sa cyberspace... Naroon at nakikipag-interact sa mga kapwa ko panatiko sa anime, lalong-lalo na sa mga kapwa ko Pinoy... Dumating din ang ilang panahong nagkaroon ng krisis sa anime sa Pilipinas kaya sinubukan ko ang larangan ng anime journalism... Itinayo namin ang MAGTIBAY ANIME website, ilang ulit na ring nagpalit ng hitsura at nilalaman... Binuo ko naman ang anime commentary blog ko na ANIME KABAYAN: The Way "Eye" See It at tunay nga naman matindi ang mga komentaryo ko at ibinuhos ko ang lahat ng sama ng kalooban ko at pinipilit kong wala akong mababanggang tao... Isang taon din akong sumabak sa FM radio dito sa San Pablo...

At dahil sa aking mga kontribusyon para sa anime sa Pilipinas, a new found respect ang aking nakuha, mula mismo sa mga kapwa ko anime fanatics... Sa kabila ng mga pagsubok na aming hinarap at marami na ring mga tao ang sumubok sa aming kakayahan at kredibilidad, hindi ito kayang pantayan ang kasiyahan aking naranasan bilang anime fan, mula nang maliit pa akong bata hanggang sa isang ganap na binata...

2 comments:

-KiRa-YaMaTo- said...

yeah,, talagang iba talaga ang mundo pag nasa larangan tayo ng Anime.. we are very very much changed, not only in our lives but in our opinions..

ganyan na ganyan ako, and thanks to you, lalo pa akong tumapang dahil sa iyong walang patumpik tumpik na banat sa mga kumokontra sa Anime...

advanced Happy Birthday! never to worry, next week, Isang blog post ang ide-dedicate ko sa inyo..

Jamibu A.K.A. Zen119 said...

Invite kita muli na mag-post muli sa Zen Anime Otaku HQ boards habang under maintenance ang ABS-CBN forums.

http://s11.invisionfree.com/zenpinoyotakuhq/index.php