Tuesday, April 11, 2006

Voltes V Evolution on Hero TV EXPOSED!

Ibinalita kagabi sa TV PATROL WORLD ng ABS-CBN 2 ang nalalapit na pagpapalabas sa Hero TV ng kanilang sariling Tagalog-dubbed version ng pinakasikat at pinaka-phenomenal na anime series sa kasaysayan ng telebisyon ng Pilipinas...

Voltes V, renamed as Voltes V Evolution will composed of ALL STAR CAST of ABS-CBN Kapamilya Stars and the leading role of Steve Armstrong will be dubbed by the only GMA Kapuso Star, Dennis Trillo...

Here now is the partial list of the Voltes V Evolution dubbing cast...

Dennis Trillo as Steve Armstrong
Ang nag-iisang GMA 7 Kapuso Star na kasama sa cast... Ayon sa balita, pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN 2 para gamitin ang kanyang boses para gampanan ang kanyang papel bilang lider at pangunahing piloto ng Ultraelectromagnetic Super Robot na si Voltes V... Bilang aktor sa pelikula at ilang drama series na umani ng mga awards at papuri dito at sa labas ng bansa, isang malaking hamon ito para sa kanya. Dito masusukat ang galing niya sa pag-arte at pagboses nang sabay bilang Steve...

Sandara Park as Jamie Robinson
Isang Koreana na naging runner-up sa unang Star Circle Teen Quest... Dahil umano sa popularidad ng mga Koreanovela sa ating bansa, umani ng kasikatan ang naturang teen star... Nakwestiyon din ang kanyang pamamalagi sa ating bansa... Ang mga pelikulang sinalihan niya ay tunay na tumabo sa takilya... Tulad ni Dennis, malaking kaibahan at hamon ang haharapin niya bilang dubber ni Jaime, ang anak ni Commander Robinson, piloto ng Volt Lander...

Joseph Bitrangcol as Prince Zardos
Tulad ng naunang balita, hindi niya gagampanan bilang "ka-love team" ni Sandara sa anime series na ito kundi bilang kontrabida... Isa rin siyang finalist ng SCTQ at katambal niya si Sandara sa kasalukuyang pelikula ng Star Cinema, and "D' Lucky Ones"... Paano ang magiging stratehiya ni Joseph at ano ang kanyang gagawin oras na humarap na siya sa malaking mikropono at gumanap bilang pinakamatinding kalaban ni Voltes V at ng planet Earth?

Igi Boy Flores as Little John Armstrong
Malamang na pinakabata sa cast... Katulad din kaya siya ng tapang at kilsi ni Little John oras na bosesan na niya ang papel na ito?

Jet Pangan as Draco
Sa kanyang pahayag, tunay na panatiko siya ng Voltes V kaya isang malaking karangalan ang mapabilang sa latest Tagalog-dubbed version ng Voltes V. Malaki ang kaibahan ng pagiging vocalist ng kanyang banda sa pagiging dubber... Paano niya "aawitin" ang kanyang papel bilang pinagkakatiwalaang kanang kamay ni Prince Zardos?

Nikki Valdez as Zandra
Hindi matatawaran ang kanyang talento sa pag-arte, mapa-drama man o comedy. Bilang kontrabida sa Voltes V, ano kayang suporta ang ibibigay niya bilang prinsesa ni Zardos?

Pinoy Big Brother's Bob Dela Cruz as Big Bert Armstrong
Kilala bilang lider ng unang season ng teleserye ng totoong buhay, sa kabila ng pagsubok na kanyang hinarap at bagamat hindi siya pinalad na manalo, umani siya ng malaking paghanga at respeto mula sa kapwa niya housemates at sa manonood nito... Muli niyang ipapakita ang kanyang tatag ng kalooban at ilalabas ang bigat ng kanyang tinig bilang ikalawa sa tatlong anak ni Dr. Armstrong...

Ricci Chan as Zuhl
Kilala bilang kwelang kapamilya sa morning show na Magandang Umaga, Pilipinas. Kakaibang at misteryosong Zuhl ang ipapakita sa bagong Tagalog-dubbed version ng Voltes V na gagampanan ng isang kwelang Ricci Chan...

Opisyal nang nag-pirmahan ng kontrata ang mga naturang celebrities sa ginawang press conference ng Hero TV. Ang Voltes V Evolution ay mapapanood ngayong Mayo matapos ang gagawing film showing sa Gateway...

Voltes V Evolution... sa bago at tunay na magmamahal na tahanan ng anime... Hero TV.
Dahil sa Hero TV, sambayanang Pinoy anime fans ang tunay na bida!

4 comments:

-KiRa-YaMaTo- said...

yeah, it's a big surprise na ang cast ay dekalidad at decalibre..

forgot to tell you na Kasama si Mr. Michael de Mesa sa dub. Siya si dr. armstrong (yata?!?)

Rei Kyo said...

For me, I am not against sa isa sa mga dubber ng Voltes V Evolution (HERO VERSION.) Nakakakatuwa nga eh.

Pero wala tayong magagawa...mga batikang dubbing directors naman siguro ang mga kumuha sa kanila eh. Ang mas maganda, kung ayaw ninyong panoorin ito..huwag na lang panoorin.

Mike Abundo said...

Recycling is good for the environment.

Unknown said...

ABS CBN suXX