Tuesday, April 04, 2006

Teen/Drama Animes: SENSITIBO?

Marmalade Boy (MB) at Maria-sama ga Miteru (Marimite)... sa loob ng dalawang sunod na taon, ang dalawang teen/drama anime na ito ay nabiktima ng biglaang pagtanggal sa ere sa gitna ng marami ang tunay na tumatangkilik dito...

Kung ang kaso ng MB ang pag-uusapan, balikan ko lang ang naging pagsusuri ko sa kasong kinasangkutan ng anime na ito...

Ang itinuturong dahilan ng biglaang pagkawala ng MB noon, nariyan ang "hindi tamang timeslot" ng naturang anime... Totoo, 8:30 am ba naman ipalabas yun? Pero hindi iyun hadlang para sa mga avid viewers... Nariyan din ang dahilang "hindi naangkop" ang ilang eksena sa mga batang manonood... Totoo rin, may mga isyung hindi agad maintindihan ng bata, katulad ng buhay teenager, pamilya at maagang pagkamulat sa lovelife (sus!)

Ngayon, ang Marimite naman ang nabiktima... bakit naman?

Tama naman siguro ang timeslot na inilaan para dito... (10:30 am) palagay ko naman ay gising naman tayong lahat bago pa man sumapit sa oras na iyon? At tamang oras din iyon para makapaghanda ng tanghalian... (Kung ako ang tatanungin, gumigising ako ng mas maaga pa sa 5:00 am... kung hindi ninyo naitatanong, tuwing Sabado ako'y nakatokang maglaba at minsan ako ang nagsasaing...)

OK, baka na naman daw "hindi angkop" ang ilang eksena sa mga bata... Puro babae lang ba ang mga gumaganap? Mababaw... Pinag-uusapan ang lovelife? Hmm, meron ba nun? Yun bang "kissing scene"? Anong mali dun? Babae sa babae? Nakakabigla nga naman iyun... Nalalaswaan ba kayo doon? Hindi naman siguro "torrid" yun di ba? (Bakit yung kissing scene sa "Ashita no Nadja" ng GMA 7/QTV 11, nakalusot? What I mean, a 13-year old Nadja and a youth Frances kissed...) Mapipigilan siguro ang susunod na kissing scene matapos ang pangyayaring ito...

Mga anime kabayan, ano ba ang mali sa mga teen/drama animes na nagpapakita ng KATOTOHANAN? Hindi na bago ang mga kuwentong ito sa ating buhay, lalo na sa mga Pinoy? Umaapela pa ba ang mga moralista? Umaapela pa ba ang mga "baduy"? Mas pinapaboran ba ng mga taong patuloy na pumapatay sa kalayaan sa pamamahayag ang mga kuwentong malayo sa KATOTOHANAN? Ang mga Asianovelas na masyado nang nabulag sa mga magagandang kuwentong malayo na sa realidad ng buhay?

Sa mga teen/drama animes na ito TUNAY na nagpapakita ng KATOTOHANAN, ipinapakita ang kapangyarihan ng salitang TOTOO at BUHAY... mas malapit sa puso ng mga tao kung ang kuwento ay kahalintulad ng buhay na ating ginagalawan...

Sandali lang po... "hindi angkop" sa mga bata? Anong silbi ng PARENTAL GUIDANCE?

2 comments:

-KiRa-YaMaTo- said...

hm, hidden hand of the SEAFCTV??

kaya nga natatakot ako pag andyan si Emily Abrera, mawawalan tayo ng freedom pag andiyan siya.. lalo na pag Yuri at shoujoai ang pinaguusapan..

YURI AND SHOUJO-AI RULESS!

Rei Kyo said...

walang mali sa naturang anime...hindi kaya, sponsor ang kulang....or maybe, masaydo lang silang protective pagdating sa mga televiewers..or maaaring...marami pa din ang bulag pagdating sa katotohanan...pero marami ng klaseng palabas na ganyan ang naipalabas na, yun nga lang ay live drama, bakit ang Buttercup nila, meron temang relationship between the same sex pero inere nila...hindi na bago yan. Maybe, darating din ang panahon na magbabalik ang ganyang anime...baka nga madagdagan pa ng mga shonen anime...:D

Basta, watch na lang tayo ng anime! Anime rules!!!