Sa buong panahon ng pagiging anime fan ko, ang pinaka-reklamo ng mga manonood sa mga TV networks, partikular na sa mga animes ay ang CONTINUITY o pagpapatuloy.
Noong nasa IBC 13 pa ang anime na Ghostfighter, wala akong ideya kung natapos iyun. Katunayan ay episode 111 na ang naabutan ko. Pero nang lumipat ito sa GMA 7, napanood ko na ito ng buong-buo. Malamang nga na channel 13 ang pinakamaraming anime na hindi natapos... Battle Ball, Dragon Quest, Tonde Buurin, Time Quest (which natapos ng ABC 5), etc. Maging ang ABC channel 5, marami-rami din ang hindi natapos. Dragon League, Two Years Vacation with Dinosaurs, Pygmalio, Shulato, etc.
Pero hindi pa iyan malala. Noong 2002, wala pa akong ideya na ang Hunter X Hunter sa GMA 7 ay tapos nang lagay na iyun. Nagtaka ako. Maraming misteryo ang hindi natugunan, lalo na yung misyong hahanapin na ni Gon si Ging Freecs. Marami nga ang nagreklamo noon. Binunton sa Marimar ang sisi ng mga nagwawalang manonood noon. Sa kasalukuyang estado ng anime na ito, tumigil tayo sa Greed Island OAV. Meron pang Greed Island Final ang HXH na dapat maipalabas sa lalong madaling panahon.
Hindi lang Hunter X Hunter ang hindi nabigyan ng continuity ng GMA 7. Maging ang Detective Conan (sa katotohanang napakahaba ng series na ito, mahigit 300 episodes), Medabots (naipalabas din ito sa Cartoon Network Philippines last year), Let's and Go, Ranma 1/2 (kahit pa AXN ay hindi rin nagawang matapos ito) at Pokemon.
Sa ABS-CBN, wala na sigurong tututol sa sasabihin ko. Ang mga anime na wala pang continuity ay Inu Yasha (natapos na rin sa Japan ito) at Naruto (may re-run na ito na may kasamang mga bagong episodes). Ang Project Arms na naputol sa channel 2 noon, natapos naman sa Studio 23. Hindi ko na aasahan ang Samurai X.
Pero dahil sa tulong ng internet, mga online friends ko at sa kaalaman ko sa anime, hindi ko na nagagawang magalit o magreklamo. Tanggap ko na ang katotohanan. Magagawa ko nang tumugon sa mga kababayan ko na nagtatanong sa sitwasyon ng anime...
2 comments:
Sa totoo lang, di maiiwasan ng mga TV statins na di matapos ang isang anime kasi hindi naman lahat ng anime ay may katapusan. Yung iba hanggang doon lang talaga yung anime o kaya naman hindi pa nga tapos ang anime sa Japan. Pero karamihan kasi sa mga anime fans, walang alam ukol sa bagay na yun kaya nagrereklamo kahit hindi naman dapat. Isa pa, di naman ganun kadaling mag-acquiere ng isang foreign show lalo na ang anime. Yun ang pananaw ko ukol diyan.
Anime-Kabayan, tagal na ng mga animes na ito. Hinahanap ko sa internet yung battle ball na naipalabas sa channel 13 dati. Ano ba ang original title nito? Salamat kabayan. Matagal ko rin itong sinubaybayan ngunit dahil sa mga hindi mga inaasahang mabilis nitong pag-alis sa ere ng telebisyon, nabaon na ito sa aking nakaraan.
Tungol naman sa ibang mga pinalabas na mga anime na hindi natapos. Sa tingin ko, maraming dahilan sa pagtigil sa pagpapalabas dito. Sabi nga ni Jamibu, ang mga ilan dito ay talagang hindi natapos or tinapos. Ang iba naman, sa tingin ko ay hindi na itinuloy dahil sa mababa ang rating. Ang iba naman, sa kadahilanan na sobrang violente o pag na cut ito ay hindi na maganda ang kinalabasan ng istorya. Sa pananaw ko, may mga dahilan kung bakit hindi naitutuloy ang mga pinapalabas na anime dito sa ating local stations. Hindi man malinaw sa mga tagapanood, ay talagang hindi ito maiwasan. Sana lang, kung mangyari man muli ang mga bagay na ito, ay sana may ibang istasyon na magpatuloy, lalung-lalo na yung talagang tipong kinahuhumalingan ng nakararami.
Post a Comment