Friday, March 18, 2005

Food Poisoning

Noong una ay binabalewala ko lang ang mga balitang maraming tao ang isinugod sa mga pagamutan dahil sa food poisoning...

Una ko kaagad naisip, makakaligtas naman sila. Marahil dahil ang kinain nila ay panis, expired.

Pero, nakakagulat ang mga huling balitang narinig ko.

Sa Tarlac, humigit-kumulang 100 katao ang naospital dahil sa pagsusuka, LBM at pagkahilo matapos kumain ng spaghetti na bigay ng kanilang barangay captain sa naturang lugar. Wala namang balak kasuhan ng taumbayan ang kapitan. Malaki ang utang na loob nila sa kanya.

Sa Maynila naman, 10 estudyante ang nalason sa inihandang dessert sa isang paaralan doon. Ayaw magbigay ng pahayag ang ospital, maging ang paaralang sangkot dito.

Pero wala na sigurong mas nakakakilabot sa nangyari sa Mabini, Bohol. Kung saan humigit-kumulang 30 bata ang nalason at namatay pagkatapos kumain ng kakaning gawa sa kamoteng kahoy. Sa pinakahuling balita ay nakumpirmang pesticide/insecticide ang sanhi ng pagkalason ng mga bata.

Sa mga balitang ganito ay nakundisyon ang kaisipan ng mga taong HUWAG kumain ng kakaning gawa sa kamoteng kahoy, kumain ng spaghetti o ng dessert.

HUWAG kayong ganyan. Kawawa naman yung mga nagtitinda nito. Huwag nating ilahat ang mga kamoteng kahoy. Totoo ngang may mga kamoteng kahoy na di pwedeng kainin dahil sa malakas na lason. Pero hindi naman mangyayari ang trahedyang ito kung hindi tayo magpapabaya.

Naalala ko tuloy yung nagtitinda ng kamote que sa amin. Naapektuhan ang kanyang tinda. Pero sinabi niya na hindi siya magtitinda ng mga pagkain kung alam niyang makakasama ito sa mga tao.

Sa tulad kong medyo may kakayahang magluto (ng fried egg, adobo, sinangag, kanin, etc.) ay tinitiyak ko na malinis ang paglulutuan ko, malinis ang mga kasangkapang gagamitin at higit sa lahat, mga sangkap sa gagawing putahe.

Sigurado sasabihin nyo, NAGKATAON lang ang mga ito. Pero kawawa naman ang mga magulang ng mga namatay na mga bata sa Bohol. Naitanong ko sa sarili ko, mga walang kamuang-muang ang mga batang ito. Wala silang mabigat na kasalanan. Kung ako ang masusunod, dapat ang mga masasamang tao, iyang mga corrupt na pulitiko sa Pilipinas ang dapat malason ng kamote. Pero bakit mga batang ito pa ang kailangang mamatay?

Huwag pandirihan ang kamote. UULITIN KO. Insecticide ang dahilan sa Bohol.
Huwag pandirihan ang spaghetti. Pambihra kayo! Mahal ang mga sangkap nun, di naman pwedeng araw-arawin ang pagkain nun.
Huwag pandirihan ang dessert. Mahirap ding gumawa nun.
Higit sa lahat, huwag pandirihan ang mga nagtitinda. Naghahanapbuhay din ang mga iyon.

2 comments:

Anonymous said...

Food poisoning has been happening lately in the country. First was the balanghoy in Bohol then the recent one was the spoiled spaghetti which brought 93 people to the hospital.

Jamibu A.K.A. Zen119 said...

Tama ang mga sinabi mo, Anime Kabayan. Hindi dapat pandirihan ang kakanin na kmoteng-kahoy, Spaghetti, Dessert, at ang mga nagtitinda nito. Ang kailangan lang naman ay ang maayos na paghahanda at pagluluto ng mga pagkain para makaiwas sa ganitong mga trahedya. Pero hindi rin naman natin masisisi ang mga batang nakakain nito na matakot dahil sa nangyari sa kanila. Kumbaga, na-trauma sila sa pangyayari.