Matagal-tagal na ring hindi ako nakakapanood ng anime movies sa TV. Pero kung kailan ako makakapanood uli, sakit ng ulo lang ang inabot ko...
Bago pa man ang lahat, may teaser nang naipalabas sa ABS-CBN na ipalalabas nila ang movie ng Samurai X. Una kong hula, Sunday night. Walang duda. Tapos nitong Sabado ng umaga, ipapalabas ng GMA ang Ghostfighter The Movie, Sunday night din.
Noong una, sinabi ko, paghahandaan ko ito. Pero nag-alala din ako, mga bandang 10:00 pm pa yata maipapalabas iyun. Pero ok lang, sulit naman yata.
Sunday night na, 10:00 pm na nang buksan ko na ang TV. Sa channel 2, TV Patrol World pa. Sa channel 7, Daddy DiDoDu pa. Naghintay ako. After 45 minutes, nagsimula na ang Ghostfighter The Movie, siyempre nanood ako. Tapos tiningnan ko ang channel 2, Search for a Star in a Million pa. 11:30 na, hindi pa tapos ang singing contest... NAINIS NA AKO!
Juice ko. Palagay ko, ang mga tunay na kapuso at kapamilyang manonood, magtityagang maghintay para manood ng pelikula. Pero ako, hindi na kinaya ng katawan at powers ko. Natulog na lang ako.
Masaya pero may pagkainis na rin ang nangyari sa akin after that day. Very ridiculous.
Balitaan nyo na lang ako, anong nangyari sa Samurai X The Movie? sa Ghostfighter?
Sa ratings kaya, sino ang lumamang? ABANGAN!
2 comments:
Ang totoo may sala kung bakit matagal nagsimula ang Samurai X Movie ay dahil sa The Buzz nagovertime sila siguro mga 7:15 pm na sila natapos. Kaya naapektuhan na rin ang mga sumunod na shows. Di ko lang alam kung bakit naatrasado rin ang sa GMA pero di naman gaanong naurong. Isa pa, bakasyon naman na.
wala na akong pakialam sa ratings ang mahalaga may anime movie silang ipinalabas.
kung gusto mong maglagay ng links sa blog mo. log-in ka sa dashboard ng blogger.com tapos i-click mo yung change settings icon(yung hugis gear) tapos i-click mo yung TEMPLATES tab. mapupunta ka sa source code ng blog mo. i-scroll down mo yung page hanggang sa makita mo yung links page source code(yung may nakalagay na Google News tapos may may available slots na nakalagay ay EDIT ME. i-edit mo lang yun tapos iclick mo na ang save changes. tapos yun na may links ka na sa blog mo.
Post a Comment