Bukod sa mga animes na pinapanood ko sa ABS-CBN 2, GMA 7, ABC 5 at Studio 23, nanonood na rin ako ng mga TV shows na kumuha ng aking atensyon...
Una na riyan ang mga WWE shows sa Solar USA (kilala na ngayon bilang JackTV). Mas nakakarelate ako sa Smackdown kaysa sa Raw dahil naipapalabas din sa RPN 9 ang Smackdown. Minsan, umiikot sa utak ko na meron ding "wrestling" element sa anime. You know, for supremacy reasons... Sino kaya sa mga anime characters ang Anime (World) Heavyweight Champion? ^_^
Dalawa sa mga reality shows ng RPN 9 ang lagi kong pinapanood. Una na diyan ang Extreme Makeover Home Edition. Hindi naman ako interior designer ng mga bahay, pero base sa programang ito, layunin ng team na ito na pagandahin ang isang bahay, mula sa ordinaryo hanggang sa extra-ordinaryong bahay. Nariyan din sa ginagawa ng programa ang paglalagay ng mga bagong kasangkapan, bagong mga high-tech appliances at mga house modifications, depende sa personalidad ng bawat miyembro ng pamilyang binibigyan ng pagkakataong ayusin ang kanilang tahanan. Pero sa bawat bahay na kanilang minake-over, hindi lang ang kanilang pinakamamahal na tahanan ang nagbago, maging ang mga buhay ng pamilya na kanilang tinulungan. Mas nagiging malapit ang pamilya sa isa't isa.
Isa pang reality show ng RPN 9 ang The Biggest Loser, kung saan isang grupo ng mga malalaking mga taba ang katawan ang bibigyan ng pagkakataong bawasan ang bigat na kanilang pinapasan. At sa bawat pagtatapos ng bawat pagsubok, isa sa mga kalahok ang matatanggal. Hindi naman siguro hangad ng mga kalahok ang premyo na kanilang matatanggap, kundi ang hangad na baguhin ang kanilang buhay at pangangatawan.
Sa Studio 23 naman, tutok naman kami sa Amazing Race. Natatandaan ninyo pa ba ang 5th season nito? Kung saan dumaan minsan ang mga kalahok sa Pilipinas? Pagkatapos kasi nito ay naging interesado na rin ako dito, sa iba't ibang lugar sa mundo, ang mga mamamayan nito at ang mga kaugalian nito. Tulad ng sinabi ko sa Extreme Makeover at The Biggest Loser, hindi lang premyo ang hangad ng mga kalahok, kundi pagsubok ng katatagan, pasensya at pagtitinginan ng dalawang mag-partner sa team.
Eto ang nakakagulat para sa akin. Nanonood din ako ng BITAG sa IBC 13. Bakit? Hindi sa salita, kundi sa gawa nila ipinapakita ang kanilang tungkulin bilang media. Totoo ngang maaksyon ang ilang mga eksena doon, pero para din ito sa mas ikauunlad ng bayan, di ba? Ika nga ni Ben Tulfo, "Laging nakahanda ang patibong ng BITAG!"
Sa panahon ngayon ng mga network war (hindi sa animes), there is still a choice. Ayos na ang mga shows na ito for me. Subukan ninyo...
----------------------------
Matutunghayan na rin ninyo ang ANIME KABAYAN: The Way "Eye" See It (Friendster Blog Edition) sa http://www.anime_kabayan.blogs.friendster.com/
1 comment:
Mahilig ka rin pala sa WWE wrestling. Pareho kong gusto ang Raw at Smackdown. Though mas gusto ko ang Raw. Sayang lang at Smackdown lang ang napapanood ko sa RPN. Kung meron lang akong Jack TV(formerly Solar USA). Nanonood rin ako ng Amazing Race. Exciting kasi at nalilibot mo rin ang buong mundo. Mas realistic rin ito kaysa sa ibang reality shows. Dati nanonood ako ng Survivor pero medyo nabore na ako after Survivor All-Stars. Nanonood rin ako ng animations tulad ng The Batman sa Studio 23. Sa local side naman, gusto ko ang Digital Tour sa Studio 23, Home Boy, Pilipinas, Game K N B?, at Goin Bulilit ng ABS-CBN, Nuts Entertainment, Eat Bulaga sa GMA.
Post a Comment