Wednesday, May 11, 2005

SAKRIPISYONG TUPA na naman ang Anime!

Mula nang maipahayag ng ABS-CBN 2 na muli nilang ipapalabas ang Meteor Garden sa kanilang Full Edition at ng GMA 7 na itatapat nila ito ng Koreanovelang Sweet 18, usap-usapan sa anime online community ng Pilipinas na magiging SAKRIPISYONG TUPA na naman ang anime programming, mapa-channel 2 o channel 7. AT HINDI TAYO NAGKAMALI...

Noong nakaraang Lunes (May 09), sa ABS-CBN 2 ay saka ko lang nabalitaan na ang isang anime series doon na Yu-Gi-Oh! Duel Monsters season 3 ay tatanggalin na naman, ibig sabihin nito ay mag-isang bubunuin ng Naruto ang afternoon anime block. Kukunin kasi ng Meteor Garden ang isang oras na iniwan ng VidJoking at Yu-Gi-Oh. Pero may mga balita pa rin kaming natanggap na baka ilipat ang Yu-Gi-Oh sa Sabado, oras na matapos ang Power Rangers Wild Force.

Sa GMA 7 naman, inaasahang mauurong ang Anime Swak Pack ng 4:30 hanggang 6:00 ng gabi. PERO HINDI! Dahil sa pag-oovertime ng Eat Bulaga at Dramarama sa Hapon block, nanatili pa ring nagsimula sa alas-5:00 ng hapon ang simula ng ASP. Pero ang mas ikinagalit ng lahat ay 20 minuto lang ang itinagal ng bawat anime (One Piece, Knockout at Sorcerer Orphen).

Martes (May 10) ay lalong lumala ang sitwasyon sa GMA 7. Bumalik nga sa 30 minuto ang One Piece at Knockout, pero ang Sorcerer Orphen ay natanggal. Sa mga diskusyon na aking nakita sa iGMA Anime Forums, hati ang mga manonood kung dapat pa bang manatili ang naturang anime. Ang pinakahuli naming nakalap na balita ay ibabalik ang Flame of Recca, malamang sa lalong madaling panahon, pagkatapos ng Knockout. Oh, eh di problema na naman! Paano magkakasya ang 3 anime sa loob ng isang oras?

Marami akong mga panukala para sa kaluwagan ng anime programming sa dalawang istasyon...

Para sa ABS-CBN 2...
Ayon sa mga anime fans, malaking balakid ang Kapamilya Cinema ninyo! Kung pwede lang daw ay alisin na iyan at bigyang daan ang anime! Hindi kayang hawakan ng Naruto ang anime block nang nag-iisa!

Para sa GMA 7...
Masyadong overtime ang Eat Bulaga! Pati ang Dramarama sa Hapon block! Dapat matapos ang EB ng 2:00 pm at ang DSH ng 4:30 pm!

Hindi pa tapos resolbahin ang krisis sa anime, lalo na ang GMA 7 sa kaso sa Marmalade Boy at Striker...

KAILAN BA KAYO KIKILOS?

----------------------------
Matutunghayan na rin ninyo ang ANIME KABAYAN: The Way "Eye" See It (Friendster Blog Edition) sa http://www.anime_kabayan.blogs.friendster.com/

3 comments:

Anonymous said...

Uhm, hi? I'm sure you've seen me in Zen's blog, aight?

Zen mentioned na nasaktan ko daw po kayo when I said Magtibay Anime's biased. If so, then I apologize, really. But I actually meant what I said that time coz I was seeing things that I thought were one-sided.

Nevertheless, good luck for your site and more power. Anime rules. Peace out.

Anonymous said...

Try posting on the Site Feeback thread sa iGMA forums.. May thread sa GMA Exectives, producers. CXhances of them reading it is zero dahil na nga maski yung thread sa Anime 'di na nila tiningnan pero it's woth a try

Jamibu A.K.A. Zen119 said...

Dapat talagang pinabayaan na lang ng GMA ang kanilang schedule. Unang priority pa rin kasi ng GMA na matalo ang ABS-CBN sa ratings kaya ganito ang nangyayari ngayon sa GMA Anime Swak Pack. Pati ang Knockout nadamay sa pangyayaring ito.

BTW, Happy Birthday sa'yo, Anime Kabayan. Debut mo na ngayon. Sana matupad ang mga kahilingan mo. ^_^