Friday, July 22, 2005
ABS-CBN, Telesucess' HERO TV, a BIG LEAP for ANIME!
Pagkatapos ng ilang linggong pag-uusap-usap... Dumating na rin ang pinakahihintay nating lahat, mga anime fans sa buong Pilipinas...
Nitong nakaraang Huwebes (July 21) ay EKSLUSIBONG nakuha ng MAGTIBAY ANIME ang kopya ng sulat na ito (nasa kanan) mula sa ABS-CBN Creative Programs, Inc. para sa isang cable provider dito sa San Pablo City...
Agad ko na itong ibinalita kay tetsugaku-sha, isang member ng ABS-CBN Message Board - Anime Forum na nagkataong online noong araw na iyon... Masuwerte kami at UNA kaming nakaalam ng magandang balitang ito... Maging ang nasa iGMA.tv Message Board - Anime Forum ay ipinarating ko rin ang balitang ito...
Well, sa darating na AGOSTO ay ilulunsad na ng ABS-CBN at Telesuccess Productions ang FIRST and ONLY All Tagalog-Dubbed Anime Channel sa Philippine Cable Industry... ang HERO TV...
Kung tama man ang impormasyong nasagap ko... ang HERO TV ay kinapapalooban ng mga dating anime series na naipalabas na ng ABS-CBN 2 at Telesucess... Para sa inyong kaalaman, ang Telesucess ay isang dubbing production na kadalasan ang mga anime series na nasa ilalim nito ay napapanood sa GMA 7 (tulad ng Voltes V, Daimos, Ghosfighter, etc.) Siyempre, may mga bagong anime din na mapapanood doon...
Marami tuloy bagay ang pumasok sa isip ko nang makumpirma ko na ang balitang ito...
Una, ang mga taong MINAMALIIT ang ANIME... malamang na nag-dadalawang-isip na sila... lalo na ang mga nasa Kongreso at Senado... at higit sa lahat, yung nasa Malakanyang...
Pangalawa, ang GMA 7... mula Mayo ng taong ito, marami nang pagkakamali ang nagawa ng Kapuso Christian Network na hanggang ngayon ay wala pa ring nagagawang aksyon para sa anime fans... Gusto ko lang sabihin sa inyo... HINDI AKO NAGKULANG sa PAGPAPAALALA sa inyo... AYAW ninyong MAKINIG... kung gusto ninyong BUMALIK ang TIWALA ng mga ANIME FANS sa inyo, AYUSIN ninyo ang ANIME PROGRAMMING ninyo... (at ang mga BUHAY ninyo rin...) KASALANAN ninyo iyan...
At pangatlo, ang mga ANIME FANS... Bagamat CABLE channel ito, nangangamba ang marami na baka pang-Metro Manila o Mega Manila lang ang makakapanood nito... ewan ko lang sa bagay na ito... Taga-Laguna ako, bahagi nga ito ng Mega Manila... pero nanininwala ako na buong Pilipinas ay makakasakop ng HERO TV...
Una itong ipinakilala sa Cebu sa isang Cable Convention nitong taon...
Handa kong suportahan ang bagong cable channel na ito...
Indeed, HERO TV is a BIG LEAP for ANIME!
Mabuhay, HERO TV! Mabuhay ang ANIME! Mabuhay ang PILIPINAS!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
Uuuuy, excited. ;p
Mabuhay ang HERO TV!!! \^o^/
Tama ka!!
GMA 7, UMAYOS KAYO, AYUSIN NYO BUHAY NYO!! GAYAHIN NYO SI JOSE!!
MABUHAY ANG ABS-CBN HERO CHANNEL!!!!
Many thanks for your huge efforts in bring us the recent and latest anime news here in the Philippines!
Maraming Salamat!
Btw I would like to ask permission if I could post this link and several articles from your entry as well as that image of the letter in our forums.
Ulit maraming salamat.
Hay naku ABS-CBN pala ang mayari nito kaya pala hinaluan ng European cartoons.Bravo.At tagalog ang salita ng channel na to?hay naku siguradong di matatakot ang Animax at CN nyan.Ipapalabas din raw to sa US via DirecTV kasama yung Power Blunder lineup(joke lang)
@anonymous
Nakasaad po sa official poster nila na may inclusion ng mangilan-ngilang "animations." Siyempre hindi anime lang ang animated sa mundo. ;)
Yeah..susuportahan ko po ang HERO TV...hello po sa inyong lahat!
Wala pa kong nakikita!! Wahhhhhhhhh!!
oi Kabayan, tama ka!! oo sabi tama ka!! hahaha!! mabuhay ka! mabuhay ka sabi!!!
joke lang ^^... di nga tama lahat ng sabi mo... sukang suka na kasi ako s pinag-gagagawa ng Kapusod sa ting anime fans... tama talaga...
i wouldn't bet on Hero TV hangga't di ko pa nakikita... pero since nag "level-up" na rin ang ABS sa pagpapalabas ng animes, tama na siguro to...
Post a Comment