Friday, September 02, 2005

Don't Look DOWN on Me and the Anime Fans

Hinihintay ko pa rin ang panahon na makakabalik na ako sa Hot FM dito sa San Pablo City... Maraming listeners, fanatics at loyalists ang nananabik sa aking muling kong pag-upo sa radio station upang mabigyan ko ng kasiyahang ipinagkait sa kanila sa nakalipas na 6 na buwan sa ilalim ng pamumuno ng isang anti-social, ganid sa kapangyarihan at ganid din sa pera... Noong buwan pa ng Hulyo nagsimula ang proseso ng posibleng pagbabalik ko...

Maraming damages ang natamo ng himpilan sa nakalipas na anim na buwan... Physical, emotional, financial, pero mas malaki ang moral damages... Dati-rati, maraming mga tagapakinig namin ang nag-aabala pang pumunta sa aming studio para mapanood lamang kami... Marami na rin kaming nakilalang mga kaibigan at ang iba ay gusto naming ituring na mga loyalista... Hindi lilipas ang araw sa radio station nang walang kasiyahan, tawanan at kuwentuhan... Nagbago lang talaga ang lahat mula noong Enero nitong taon... Ipinagbawal ang mga ganitong pagtitipon, daig pa ang Martial Law kung magpatupad ng batas... Husto lang sa pagpaplano ang taong ito, ngunit ni isa man ay walang naisakatuparan...

Bakit? Simple lang... Walang suporta mula sa mga tagapakinig noong panahon na iyon... Nakapagtanong ako sa mga dating mga listeners nito, hindi nila gusto ang ugali niya... ang tulad niyang arugante at mapagmataas... pero may mga mata pa ring nakamasid sa kanya... ito ang dahilan ng pagbagsak niya... Umabot sa personalan ang alitan namin na siya ang nag-umpisa... Ayaw na ayaw daw niya ng kambal, at ayaw na ayaw niya ng anime...

Hinamak niya ako, ang kapatid ko, ang pamilya ko... Hinamak niya kami bilang kambal... Hinamak niya kami bilang anime fan... Kung may pagkakataong makapagtanong ako sa kanya, "Kaya mo bang pigilan ang aming ina na isilang kami noon?" "Magagawa mo bang mawala ang lahat ng anime ngayon?" "Kasalanan bang maging kambal kami?" "Kasalanan bang maging anime fan kami?" Kung ganun, hinahamon kita... Pagbawalan mo ang anak mo na manood ng anime at makihalubilo sa tao, lalo na sa KAMBAL!!!

Kung ako ang tatanungin ninyo, I will comeback to Hot FM not for revenge, not for vengeance... Pinipilit kong kalimutan ang lahat ng iyun... Ang aking twin brother ay may paunang pasya na hindi na siya babalik doon, dahil sa pakiramdam niya ay "nadidiscriminate" kami bilang kambal at bilang anime fan, pero bukas siya para sa negosasyon... I will comeback for REDEMPTION... Gusto kong ibalik ang Hot FM sa dati nitong sarili... Gusto kong ibalik ang moral ng himpilang ito... Ang moral ng mga tagapakinig... ang moral ng aming mga tagasuporta...

Nalalapit na ang ikatlong anibersaryo ng Hot FM... it's a MAKE or BREAK situation... Dito na malalaman kung naroon pa rin ang kanilang interes sa himpilan...

Bakit si Angel Locsin, nagawa pang maglaan ng panahon para mag-dub ng anime? Bakit ang ABS-CBN Creative Programs, Inc., nagtayo ng HERO TV? Simple lang... THEY DON'T LOOK DOWN ON ANIME AND IT'S FANS...

Simple lang ang panawagan ko... If you don't know Philippine anime, you don't know the Philippine TV... If you disrespect Philippine anime, you disrespect the Philippines... If you don't know Philippine anime, you are not a TRUE FILIPINO!!!

7 comments:

Anonymous said...

Agree na rin, 'tol! Huwag nang matulad ang eksena natin sa nangyaring away ng hiphop at metal noon -- na gawa rin ng isang "alternative" radio station.

Ronin AnimeLover said...

Uh-huh, agree rin ako.

Minamaliit dito sa Pilipinas ang mga anime fans. Wala nga akong kakilalang ibang Pilipinong anime fans tulad ni bluemist at ni AnimeKabayan.

More Power!

Anonymous said...

-sigh- nakakaasar yun mga ganyang tao. naalala ko tuloy yun nagdefend me para magkaroon ng anime org sa school namin.. they don't prioritize that much yun mga ganun klaseng org kasi hindi raw academic.. tho i pointed out having an anime org could be a way to minimize the passivity of the students. -sigh- tapos lagi tingin nila sa anime ay fad lang.. uminit ang dugo sa defense na yun

-KiRa-YaMaTo- said...

I TRULY BELIEVE YOU ANIME KABAYAN!!!

hanga ako sa iyong katapangan at sinseridad

...naalala ko ang mga pang-aalipusta ng mga tao sa anime, nakakainis ang pagtuturing na iyon,, kaya nandito tayo para IBALIK ANG DATING SIGLA NITO,,

sila ang myembro ng Anime Doom Society,yun lang ang masasabi ko

MULI,, PINAHANGA MO PO AKO ANIME KABAYAN!!!

http://toddicediver.blogspot.com/2005/09/mother-of-all-speeches.html < my latest blogger entry

Jamibu A.K.A. Zen119 said...

Nice blog entry, Anime Kabayan!

I'm truly proud to be Filipino anime fan ever if we are belittled by other people who think they are superior than us.

Anonymous said...

grabe naman yan dapat nila malaman ang nararamdaman natin

Anonymous said...

In terms of anime I think you got your, "Disrespecting Filipino work is disrespecting your own race...", view kinda screwed up.

I have no problem with Filipinos dubbing Anime but the way they dub it is screwed. Just because some of us critize the crap that GMA/ABS puts in anime doesnt mean we're anti-filipino.

Anime Kabayan... get your "facts" straight before blasting at us "critics".