Saturday, March 08, 2008

Marimar: Another Opinion

Marimar

Noong nakaraang komentaryo, isang linggo bago matapos ang Zaido, inyong nabasa ang aking naging pananaw tungkol sa naturang serye. At agree naman ang mga nakabasa dito.Ngayon naman, isang linggo bago tuluyang matapos, hayaan ninyo akong maglahad ng aking pananaw tungkol sa sinasabing pinaka-tututukan ng buong Pilipinas - ang Pinoy remake ng Marimar.

Gusto kong linawin sa lahat na malaki ang kaibahan ng pagbibigay-atensyon ko sa Zaido at Marimar. Nagawa ko ang review ko sa Zaido dahil may mga araw na napapanood ko ito, mga 55% ng buong panahong palabas ito ay napanood ko. Ang Marimar, bagamat nahahagilap ng aking mata ay masasabi kong HINDI ko tinutukan ng buo. Bakit? Nariyan na ang ideya… halos.

Sa umpisa ng kuwento, 80% ng ginawa ng GMA 7 ay hawig sa gawa ng Mexico. Sumabit nga lang sa puntong nagsimula ito sa panahong nahiwalay si Marimar noong bata pa sa mga magulang nito. I don’t see any point na sa isang aksidente sa eroplano nangyari ang paghihiwalay, bagay na hindi naman ito na-tackle sa Mexican version. Mula sa eksenang iyon hanggang sa panahong lumaki si Marimar (na siyang ginagampanan ni Marian Rivera) is absolutely overboard. Kahit sa maagang simula ng pagiging magkaribal nina Marimar at Angelica (Katrina Halili) is also overboard.

Doon nga sa panahong lumaki si Marimar, ito talaga ang tipo ng kuwento na una nang napanood ng mga manonood noong nasa RPN 9 pa ito. Kaya hindi na tayo pupunta diyan.

May nabasa ako sa iGMA.tv Forums na ayon sa isang poster na maraming “katangahan” nagawa ang mga nasa likod ng Marimar. Laking gulat ko naman nang marami sa mga nag-react ay agree sa mga sinabi ng forumer. Kung ang inirereklamo ng naturang forumer ang mga di-kapani-paniwalang mga eksena, masasabi kong nangyayari din naman ito. Napakabihira nga lang kung mangyari sa ating buhay ito. Pero ang tanong ko lang, kung mangyari ang mga napapanood nating eksena sa Marimar, handa ka bang harapin o labanan ito? Mas agree ako sa puntong may katangahan ngang taglay ang mga writers para lamang madugtungan pa ang kuwento ng Marimar.

Malamang na ikatwiran ng GMA na pwede nilang gawin ang kahit ano sa Marimar. Kung sa bagay, pinayagan naman sila ng Mexico. Pero may mga detalyeng dapat akong kuwestiyunin. Nariyan ang pagiging “bading” ni Arturo, gayong lalaking-lalaki naman sa Mexico. Ang pagiging ander ni Monica, na may karelasyon si Esperanza, at iba pang nasasakop nito. Ang mga karakter nina Marimar, Sergio at Angelica ay masyado nang naabuso.

Pasasalamat ko na lang siguro at hindi ang mismong Mexican version ang ipinalabas nila. Sa halip ay gumawa na lang sila ng Pinoy version. Noong 2002, napatunayang hinding-hindi ulit papatok ang Marimar Mexican version sa Pilipinas nang naipalabas ito sa TV. Malaking patunay diyan ang napakalakas na pag-alma ng mga Kapuso anime fans sa paglapastangan, unfair at kawalang-hustisyang pagtanggal ng anime block sa primetime. Ang late-night interactive show nilang Txtube ang nagpakita ng isa pang malakas na pagkondena sa pagpapalabas ng Marimar sa GMA 7. Kaya’t ang nangyaring paglalabas ng himutok, hinaing at matinding galit ng mga anime fans an nagresulta sa GMA 7 para ilipat ang Marimar mula sa primetime pabagsak sa 10:00 am slot.

Kung ako ang inyong tatanungin, at malamang ang iba pang hindi nanonood sa Marimar at sa halip ay sa mga programang katapat nito - bakit marami ang nanonood sa Pinoy Marimar? Malamang may sagot ako diyan - hindi dahil si Marian Rivera na gumanap na Marimar… hindi dahil si Dingdong Dantes ang gumanap na Sergio… at hindi dahil GMA 7 ang gumawa ng remake na ito…

DAHIL SA MARIMAR MISMO. Kapag narinig nila ang pangalang ito, unang-unang sinasabi nila na maganda ito. At kahit may balita na gagawan ito ng Pinoy version, agad nilang hinusgahang maganda ito. Pero mabuti na lang, hindi ako nabulag sa katangahan nila. Hindi katulad ng mahigit 45% na nanonood dito, hindi ako naging tanga. Sayang lang ang kagandahan ng seryeng ito, naging abusado lang ang mga nasa likod nito na siyang sinasakyan ng mga manonood. The story is clearly not sustained, unlike Impostora. The point is not sustained, unlike Kung Mawawala Ka. Tulad ng nasabi ko noon, I don’t blame GMA 7 for remaking this mess. Blame it to the Mexican television firm who grants GMA 7 to remake this garbage.

2 comments:

fire and ice said...

tama ka para sa akin walang kwenta ang Marimar....
Bakit?
kasi binaboy nila yung original na story....
si Anglica dapat namatay sa sunog
at hindi sa buhaya...

nawala yung karma essence...

saka para sa akin ang naging dahilang nang pag number 1 ng GMA noon ay dahil pinataob ng gf si Rosalinda na channel 2, at yung DBZ na pareho prim time block kasama yung Lupin III, dahil doon lumipat kami sa 7 na hindi namang kilalang channel...

elysian said...

marimar might not be the best drama of the season, oo't may element na ng overrating from the viewers..pero it still doesnt deserve to be labeled as GARBAGE..though i know this is just only your opinion..but i thought the writers made a decent job for this project..think of it,,,,kung ginawa nilang halos gayang - gaya sa orig version ito, then this one will be useless after all...though labeled as remake, there still should be the touch of originality and pinoy-toned element..over-all, i thought the remake made a very good impression and had stolen the hearts of many filipinos..it really made history..just think of the people who manage to find a way to watch this show..what a precious GARBAGE THIS IS!