Mula nang maging ganap na anime fan kami noong 1999, marami kaagad na mga hula o prediksyon ang pumapasok sa utak ko. Siyempre, hindi lahat ng mga hula namin nagkatotoo... Hindi ko nahulaang maipapalabas ang Ghostfighter sa GMA 7 na dating IBC 13.
Isa lang ang dahilan ko noon. Wala pa akong sapat na katibayan o ebidensya para maipagmalaki ko ang hula ko...
Anim na taon na ang nakalipas at medyo pulido na ang mga hula namin at sa awa naman ay kahit papaano ay nagkakatotoo ito...
Kung ako ang tatanungin ninyo, paano mahuhulaan na ang isa o higit pang mga animes ay posibleng maipapalabas dito sa Pilipinas? Para sa mga bagong anime fans, eto ang ilan sa mga pinagdaanan namin at tunay na magagamit ninyo sa pag-brain storming at magagawa niyo ring ang ginagawa ko...
Una, Tinulungan ako ng Internet...
Taong 1999 din nang matuto ako ng Internet, noong panahong naglunsad ang GMA ng WeAreAnime.com... Nariyan din ang Anime Web Turnpike, Anime Lyrics, at iba pang mga anime websites.... Laking tuwa ko naman na may mga kababayan tayo mula sa iba't ibang panig ng mundo na anime ay kanilang paboritong libangan...
Pangalawa, Tinulungan ako ng Questor Anime Magazine...
Pinakabasehan ng mga hula namin ang magasin na ito... Ginawa ng mga Pinoy para sa mga anime fans na Pinoy... noong una, karamihan sa mga animes na i-feature ay galing sa GMA. Pero hindi rin naman patatalo ang ABS-CBN. Siyempre, may mga ipinakilalang mga bagong anime titles at iyun ang pinagtuunan namin ng pansin... Halimbawa, (eto, pambihira itong ginawa ko) ang anime na Cat's Eye maipapalabas sa TV)... Gulat na lang ako na naipalabas ito... Bakit? Eto ang dahilan...
Pangatlo, Mas malawak na instincts sa anime...
Ang basehan ko pa sa panghuhula sa anime (halimbawa nga sa Cat's Eye) ay yung mga dati nang naipalabas na ganoon ding genre na anime. Ang Cat's Eye ay mahahalintulad ko sa Lupin III na adventure anime. Lagi kong itinatala ang mga anime titles na naipalabas na at ito rin ang pagbabasehan ko ng mga posibleng animes na maipalabas dito...
Pang-apat, Naging mapanuri din ako sa paligid.
Ibibigay ko namang halimbawa ang Magic Knight Rayearth, una itong naipalabas sa ABS-CBN noong 1996. Mga bandang 2001, nahulaan kong maipapalabas uli ito pero sa GMA. Nagkatoo naman ito. Bakit? Ang MKR vhs na nahiram ko sa Video City noong taong din iyon, after ng aming practice drill sa CAT Graduation nang nasa high school pa ako... (wow, tanda ko pa iyun ah)... Kasi, pati kasuluk-sulukan ng vhs cover ng MKR video ay tinitigan ko. Alam nyo na siguro ang mga natuklasan ko.
Higit sa lahat, Panglima, ang mga kapwa ko anime fans.
Kung hindi dahil sa tulong ng mga kapwa ko panatiko sa anime ay hindi ako makakarating sa kinalalagyan ko ngayon. Hindi ko man sila nakakachat nang madalas ay hindi ko sila malilimutan. Maraming salamat sa inyo...
Iyan ang mga pinagdaanan namin bilang anime fan. Kayo, anu-ano ang mga ginagawa ninyo bilang anime fan?
Social BLOG:
Zen119: Maraming salamat sa patuloy mong pagtitiwala sa amin. Lagi tayong magbalitaan sa anime ha?
1 comment:
walang anuman. kung akong tatanungin. binabase ko sa mga reliable sources ko sa net ang mga susunod na ipapalabas na anime sa local channels at sa mga ad na ipinapalabas ng mga istasyon. binabase ko rin sa type ng anime ang puwedeng ipalabas ng ABS-CBN, GMA o ABC. Kung ABS-CBN, mas type nila ang shoujo anime at adventure anime na hindi masyadong bayolente(except for some exemptions: Gundam Seed). GMA ay more on Shonen type anime. ABC sa ngayon ang type nila ay yung medyo pambata ang tema. yun lang ang opinyon ko ukol dito.
Post a Comment