Marami nang ispekulasyon ang kumakalat na maipapalabas ang Gundam Seed sa local TV, matapos ang matagumpay na pagpapalabas sa cable TV, sa Cartoon Network Philippines noong Hunyo at Nobyembre ng nakaraang taon. Umani ito ng papuri at popularidad mula sa mga cable TV subscribers, lalo na ang mga anime fans. Maging ang anime online community ng Pilipinas ay pinag-uusapan ang anime na ito. Ito na daw ang pinakamatagumpay na Gundam series sa kasaysayan mula nang mangibabaw sa buong mundo ang isa pang serye, ang Gundam Wing.
Mula sa mga inside reports, sa loob ng taong 2004 ay maipapalabas na ang Gundam Seed. Ilang palit na ng airing date, ilang ulit ding naudlot. Ngunit noong Disyembre 20, natapos na ang mga ispekulasyon. Naipalabas na rin ang Gundam Seed, ngunit sa pagkakataong iyon, nasa ilalim ito ng sariling dubbing production ng ABS-CBN 2. Matatandaang mula taong 1999 hanggang 2001, ang karibal nitong network na GMA 7, ang humawak ng tatlong Gundam saga, ang Gundam Wing, G Gundam at Gundam X.
Inaasahang sa unang Gundam saga ng Kapamilya ay babangon na ang network mula sa matagal nang pagkakalugmok sa TV ratings laban sa mga pambatong anime ng Kapuso, lalo na noong Oktubre na ang anime ng Dos na Ragnarok The Animation ay isang beses lang tinalo ang Slam Dunk, ang katapat ng Siete.
Pero sa umpisa pa lang ng Gundam Seed, nagsabi na ang mga anime fans. SABIT!
Bakit daw SABIT? Hindi na daw maiiwasan ang mga putol na eksena, maging ang mga opening at closing credits, bagay na hindi matatanggap ng kanilang mga manonood. Base na rin sa English version ng anime, dapat daw na si Kira Yamato, ang bida sa Gundam Seed ang UNANG magbabanggit ng salitang GUNDAM. Ngunit sa ginawang Filipino version ng ABS-CBN, ang isa sa mga ZAFT pilot na si Yzak Joule pa ang mas naunang nagsabi ng GUNDAM kaysa kay Kira.
Aaminin na nating hindi matatawaran ang galing mga nagboses sa tinagalog na Gundam Seed. Pero dapat din naman sanang isaalang-alang ang malalimang pagsusuri sa mga iskript o dayalog na bibitawan ng mga tauhan. Imposibleng akusahan nila ang English version na MALI ang pagkakasalin ng anime.
Panawagan ko lang, bigyang katarungan at respeto ang mga anime na kinikilala ng buong mundo, lalo na ang Gundam Seed.
1 comment:
Hello sa'yo, Anime Kabayan at pati na rin sa buong Magtibay Anime. Sasagutin ko lang yung post mo sa aking blog na may kaugnayan din sa topic mong ito. Hindi ko dedepensahan ang ABS-CBN tungkol dito kahit na tinatangkilik ko ang mga anime nila. Ang susunod na mga nakasulat pagkatapos nito ay reply ng dubbing director ng Gundam Seed na si Michael Punzalan sa isang nagtanong din sa kanya nito sa messageboard Pinoyexchange. Heto na:
[Quote:
Originally posted by dspr8 rugged
Mag-PM na lang kayo, kung pwede. Matatambakan ng spam tong topic na ito...
To be on topic...
Bakit may mga tao sa ABS dub ng SEED na tinatawag na "Gundam" ang mga Gundam, samantalang tanging si Kira lang ang nagsasabi ng Gundam (later si Athrun din...)?
Magkakaroon ng loophole iyan sa isang dialogue sa mga later episodes...]
sagot ni sir mike:
"to be detailed, it was researched by athrun and le crueset all about the mobile suits. it said so in our scripts and thats how i understood the storyline. all GUNDAM's can be called a GUNDAM either by athrun, yzak, kira or whoever pilot operates one. they only designate their units according to the information they captured from the earth forces. so it cannot be generallized that ONLY kira can call a gundam a gundam...no loopholes there i tell you."
Pero may sarili akong hinala ukol dito. Baka inadlib ng dubber nito ang kanyang dialogue o kaya naman na-alter na ang english script para magswak sa pagbuka ng bibig ng character. pero mga hinala ko lang ito. Kahit naman ganon, sa palagay ko, hindi naman kailanman magiging perfect ang pagkakadub ng isang anime. Iba pa rin ang original language. Yun lang muna ang masasabi ko.
Post a Comment