Sunday, January 30, 2005

Anime Komentaryo

Nagsisimula nang magpalakas ang ABS-CBN sa mga anime programming nila, pero kapansin-pansin pa rin ang mga kapalpakang patuloy nilang ginagawa. Tulad ng mga putol na eksena at mga dayalogo na hindi dapat sabihin, base sa aking obserbasyon...

Dahil dito, marami nang natatanggap na mga reklamo mula sa anime online community ng Pilipinas ang inyong lingkod, maging ang ilan sa aking mga kasamahan. Alam naman nating lahat na hindi na mangmang ang mga manonood, tulad ng sinabi ni Zen. BAGONG TAON na, mga kabayan. Kaya dapat nang ayusin ang MATAGAL nang dapat ayusin.

Sa kabilang dako, matapos ang maraming panawagan ng mga local animators, ipapalabas na rin ng GMA ngayong Pebrero ang tinatawag ng ilan na Pinoy "Anime", mga animation na gawang Pinoy na aaminin kong hinangaan at pinarangalan ng ibang bansa.

Nagtaka na namang muli ang anime online community ng Pilipinas. Dinumog na naman ng mga tanong ang inyong lingkod. "Ito bang Pinoy 'Anime' ay tulad ba ng Japan Anime?" HINDI PO! Kung napapanood ninyo ang patalastas tungkol dito, agad ninyong malalaman ang katotohanang MALAYONG-MALAYO ang istilo ng animation ng Japan at Pilipinas. Kung tayo lang ang masusunod, tipong istilong Hapon na lang ang gagawin natin.

Tinatayang pang-umaga ang pagpapalabas ng mga ito. SANA NGA! Baka masira lang ang afternoon habit natin pag nagkataon...

Iyan lang muna hanggang sa ngayon.

No comments: