Noong Agosto, napanood ko ang I-Witness documentary ni Howie Severino ng GMA 7 tungkol sa mga Pinoy animetors. Nakilala ko ang mga taong nangarap na sana ay makilala ng buong mundo ang kanilang mga nilikha...
Unang tumatak sa aking isipan ay ang Toei Philippines, Incorporated. Mula nang nagsagawa ng "sub-contracting" ang Pilipinas sa larangan ng anime, may mga seryeng maipagmamalaki kong ginuhit at isinabuhay ng mga magagaling nating mga kababayan. Nariyan ang Dragonball Z at Slam Dunk. Sa ngayon ang Toei Philippines ay mayroong humigit-kumulang na 100 Pinoy animetors. Meron din silang ginagawang pinakalatest na anime series na sa kasalukuyan ang ipinapalabas sa Japan.
Dito sa sistemang "sub-contracting", malaki ang sweldo ng mga empleyadong Pinoy dito. Meron ding tauhan dito mula sa Japan na nagbabantay sa kanilang mga ginagawa. Mahigpit din ang mga patakaran dito. Kailangang plantsado ang lahat bago ang tapos na produkto ay ipadala sa Japan. Standard Operating Procedure, ika nga.
Ang mga nakikita kong benepisyo dito ay, oo nga, malaking sweldo. Nagkaroon na rin ng pagkakataon na maipalabas dito ang mga anime na gawang-Pinoy. Ngunit sinabi sa akin ni Sanzo, "Guhit nga ng Pinoy, pero utak naman ng Hapon". Sana sa pamamagitan ng dokumentaryong ito, maiisip natin na ang mga ilang anime na napanood at mapapanood natin ay Pinoy ang nagbigay-buhay sa kanila.
Nalaman ko rin na may mga indibidwal na nakalikha na ng kanilang animated series at hindi pa ito naipapalabas sa telebisyon. Tanging ang "Tutubi Patrol" at "Batang Iwas Droga" ang nagawang mailabas ito sa TV. Hindi daw tanggap ng karamihan ang kanilang mga obra maestra. Walang gustong sumoporta sa kanila, maski ang gobyerno. Sabi nila, mas tinatangkilik ng Pinoy ang mga animetion series ng Japan kaysa sa kanila.
Hindi ko sila masisisi. Wala akong anumang bagay laban sa kanila. Pero alam kong hindi sila nawawalan ng pag-asang titingalain ng lahat ang kanilang mga gawa.
Sa kabuuan, marami akong nalaman sa palabas na iyon. Sana may kasunod pa.
-MAGTIBAY-
Mukhang usung-uso na ang numerong 26 sa anime industry. Bakit? Karamihan sa mga anime ngayon ay naglalaman ng 26 na episodes. Walang duda. Tokyo Underground, Dear Boys, Samurai Deeper Kyo, Outlaw Star, Cowboy Bebop, Duel Masters, at Zoids: Fuzors. At sa mga susunod na panahon, maging ang Love Hina, Angelic Layer, Fruits Basket, at Ragnarok The Animetion ay naglalaman din ng 26 episodes.
Napakabilis kung tutuusin. Nag-iiwan pa rin ng mga katanungan na sa tingin ko'y ang muling pagpapanood ko ang makapagbibigay sa akin ng mga kasagutan. Pero di ko naman sinasabing mas maganda na yung maikli kaysa sa mas mahaba at baka maputol na anime tulad ng Inu Yasha, Yu-Gi-Oh, Naruto at iba pa. Marami ang nagtatanong, "Bakit ganun?" Sagot ko, "Sori. Palabas pa rin sa Japan, eh".
Hindi ko na rin nagagawang mainis. Nagagawa ko lang na pag-aralan ang mga anime na marahil ay hindi matatapos dito. Para naman makapaghanda kami, para hindi na kami magalit. Binabalita ko naman sa mga kakilala at kaibigan ko na ganito ang sitwasyon.
Pero marami pa rin ang mga taong naghahangad ng malaki. Ang resulta, ay lalo lang nilang pagkainis. Talagang nananawagan sila para ang kanilang mga paboritong anime ay matapos na. Hindi naman ako nagwawalang-bahala. Kailangan ko ring pumuna ng nangyayari dito. Ewan ko lang kung merong nakikinig. Ang 2 TV networks ay puro demandahan ang nangyayari. Pera lang ang katapat ng isa't isa.
Ayoko munang isipin ang mga maaaring mangayari. Mabagal kasi hustisya dito. Nakakaantok. Mag-relax na lang tayo. Mag-anime na lang tayo.
No comments:
Post a Comment