Sunday, February 27, 2005

Tatlong Animes, Huling Hirit Ngayong Pebrero!

Patapos na ang Pebrero at hahataw na ang tatlong anime series na ito bilang huling hirit!

Sa ABS-CBN, magsisimula ngayong Sabado (March 5, 2005) ang isa na namang ipinagmamalaking anime ng CLAMP (na siya ring gumawa ng Magic Knight Rayearth at Card Captor Sakura), ang Angelic Layer. 9:30 am iyan!

Sa Studio 23, pagkatapos ng dalawang taong pamamahinga sa ere, nagbabalik ang Beyblade. Simula na ito sa Lunes, February 28, 2005. 6:30 pm, kapalit ng Project Arms na sa wakas ay natapos ang serye pagkatapos ng pagkabigong ituloy ito sa ABS-CBN.

At sa GMA 7, isa na namang sports anime ang mapapanood simula rin sa Lunes. Ang soccer-inspired anime series na Hungry Heart, sa ganap na 5:3o pm, pagkatapos ng One Piece. Samantala, ang ringside action ng Hajime no Ippo ay mapapanood na sa bagong oras. 6:00 pm, bago mag-24 Oras.

Lahat ng ito, alay sa mga Pinoy Anime Fans.

TUTUKAN nang HINDI MAHULI SA USO!

4 comments:

Jamibu A.K.A. Zen119 said...

Hungry Heart mukhang promising. Beyblade ok sa akin yan. nagustuhan ko ito kahit karamihan ay di ito nagustuhan nung una itong ipinalabas.
ang hinihintay ko na lang ay ang Angelic Layer. Kalimutan mo na ang mga sinabi ko sa post ko dito nung nakaraan dahil mukhang ito na ang final week ng Gundam Seed sa ABS-CBN(February 28-March 4). Sana naman totoo na ito. Nambitin lang sila. Oh well, that's life.

Jamibu A.K.A. Zen119 said...

Naruto returns on ABS-CBN. Starting March 7, 2005, Weekdays @ 5:30 or right after Gatekeepers. It will replace Gundam Seed. Now, the teaser said that they will show never before seen episodes. The question is how many episodes did they got? anyway, I'm very happy that Naruto is back.

Jamibu A.K.A. Zen119 said...

His and Her Circumstance on ABS-CBN. Premieres March 5, 2005. Saturdays @ 10:30 am or right before Lovers in Paris: The 2nd time around.

Anonymous said...

bitin ako sa striker hungry heart,sana ibalik!pero maganda rin naman ung orphen!madami b dyan nanonood ng his&her circumstances,d nakakasawa d b kc my halong comedy at romance, ano kayang mangyayari sa sabado,abs-cbn @ tha time of 10:30 am!marmalade boy, d ko naman natapos ung ending.