Malamang ay narinig nyo na noon pa man ang mga titulong "Restol, the Special Resque Squad" at "Lazenca" sa ABC 5 at "Hamos, the Green Chariot" sa ABS-CBN 2. Malamang ay nagtataka kayo, maging ang inyong lingkod. Una kong naging impression ay "bakit ganun ang istilo ng animation nila"?
Lumipas ang tatlong taon ay doon ko lang nalaman ang sagot. Naisahan ako, iyan ang pumasok sa utak ko. Ang "Hamos" , "Lazenca" at "Restol" ay gawa pala ng bansang Korea.
Nakapanood na rin ako ng ilang Korean animation sa isang cable channel dito sa San Pablo City, ang Arirang TV. Nariyan ang "Michel" (dalawang beses kong napanood), "The Legend of Blue", etc.
Tulad ng Japanese anime, meron din ang Korean animation ng kanilang mga "theme songs" (opening and closing, 'lam nyo na siguro). Pero dun sa ibang serye nila, dub na ito sa English.
Ang hindi ko lang makuha sa kanila ay yung story plot. Aaminin ko, hindi ko medyo na-pay attention ang mga ganito. Nang ang "Hamos" ay nasa ABS-CBN 2, iyon lang ang Korean anime na nasubaybayan ko, bago ko nalamang Korean pala ito. Hindi naman ako nainis. Huli na para magsisi. Samantala ang "Restol" at "Lazenca" ay hindi ko rin nagawang panoorin. Marahil mga ilang episodes, nakita ko na, pero hindi ko natapos. Ang dalawang seryeng ito ay kapwa isina-Tagalog ng ABS-CBN (para sa Hamos) at ABC (para sa Restol at Lazenca).
Ngayon, kung itatanong nyo kung pwede na itong makipagsabayan sa Japan pagdating sa animation, ang sagot ko ay OO at HINDI.
OO, 75% ng Korean animation ay mapagkakamalan mo nang anime, tulad ng paghumaling ko sa Hamos noon. Hindi rin sila pahuhuli sa mga special effects, etc.
HINDI, dahil nga hindi ko makuha ang point (story plot) ng ilan sa kanila. Sa kanilang English version sa Arirang, mas malakas pa ang BGM sa English voice talents.
Limitado ang Korean animation series dito sa Pilipinas. Hindi ko rin alam kung paano nakuha ng ilang TV networks ang tatlo sa kanila. Sabi ni Sanzo, "we can get use to them". Marahil, bigyan pa natin ng pagkakataon ang istilo ng animation ng Korea.
Korean "Anime"... teka, Korean "Cartoons"...
Ano ba talaga? Tulong naman, oh... ^_^
3 comments:
Huh? May mga Korean animes na ba na ipinalabas sa dito sa Pinas?
Yeah, napanood ko ang "Restol" at ang "Lazenca." Sa tingin ko OK naman ang animation ng dalawang series (dahil yun lang ang napanood ko) kahit hindi ko man ito natapos dahil sa sobrang busy noon.
I can agree sa iyo na, oo maaari itong makipagsabayan sa Anime ng Japan dahil kaya din nilang makipagsabayan sa manga ng japan...yun nga lang tawag yata nila sa comic nila ay man-wa (sorry kung mali ako...ikorek ninyo ako)
I can agree na HINDI dahil kung susuriin mabuti. mas nahumaling tayo sa japan animation. Dahil kung ako ang tatanungin, mas preparado ako sa anime ng japan.
Ang mas nakakatawa , yung sinasabi nilang "PINOY ANIME" (*sabay halakhak*) Ay naku, huwag nga matawag tawag ng mga KAPUSO na PINOY ANIME iyon...maari iyong tawaging PINOY ANIMATION....dahil ang ANIME is for japanese only... and i cant agree na korean anime ang tawag sa animation ng korean....mas preferred akong tawagin siyang "KOrean Animation."
Pero kung susuportahan siguro ng Pilipinas ang mga animator nati..makakagawa tayo ng delikidad na PINOY ANIMATION.
Ako, gusto kong makita ang "One Day Isang Diwa" ng Culture Crush, kahit 13 Episode lang. Tee he he he
Nakapanood ako ng Restol at ng Hamos pero di ko nagtustuhan ang Lazenca. Tama ka, ito'y mga Korean animation pero tulad ng sinabi ni witch_slayer_rodel, di dapat ito tawaging Korean anime. Oo nga at may ilang pagkakahawig ang animation at hitsura ng mga characters ay masasabi ko pa rin na hindi kasing quality ito ng Japanese Animation lalo na sa fluidity ng animation. Sa kasamaang-palad, kung ipagkukumpara naman natin ito sa mga pinoy animation na naipalabas na, kung pagbabasehan ko ang fluidity ng animation, mas lamang ng konti ang korean animation. Pero kung sa quality ng images, ok naman tayo doon. Pero di ko minamaliit ang ating sariling nating animation. sinasabi ko lang ang mga flaws na dapat nating ayusin. Mas maganda pa nga yung mga pinoy animations sa TV commercials kaysa sa Pinoy animated movies o series mismo. Pero di natin masisisi ang ating mga animators dahil sa kakapusan ng pondo at di gaanong sinusuportahan ng madla at ng pamahalaan. Sana talaga balang araw ay makakita ako na ating maipagmamalaki sa buong mundo na de-kalidad na Pinoy animation. Go Pinoy!
Post a Comment