Sunday, April 24, 2005

My Current Take on MARMALADE BOY

Noong nakaraang linggo ay nagulantang ang mga viewers ng GMA 7 nang biglang tinanggal ang anime series na MARMALADE BOY.

Tulad ng dapat kong asahan, dinumog ng mga messages ang iGMA Message Boards, hinihiling ang dagliang pagbabalik sa ere ng naturang anime.

Ayon sa isang poster, isa sa mga itinuturong dahilan ng pagkakatanggal sa anime ay may mga magulang na sa isip nila ay "inappropriate" ang ilang eksena para sa mga batang manonood, very particular na ang mga kissing scenes at yung mga youth issues nito.

At the very first place, I think na tama siya. Bakit nga naman ilalagay ang ganung genre ng anime sa isang timeslot where kids are the majority viewers? Pero yung mga avid viewers nito, they are willing to wake up early to watch their favorite anime.

Meron nang PETIION THREAD para sa kahilingang ibalik ang MARMALADE BOY.

Kung ako ang tatanungin ninyo, saang timeslot pwedeng ilagay ang MB?

1) Malamang na ipalit ito sa Alice in Wonderland. Pero malamang na hindi ko na i-pupush ang panukalang ito regarding on "inappropriate" issue.
2) Ilagay sa Anime Swak Pack, mga 4:30 pm bago ang tatlong current animes.
3) Malamang na ipalit ito sa Love Hina, ilang episodes na lang ito.
4) WILD GUESS: Ipapalit ito sa Zoids, patapos na rin ito.

Kung anuman ang kadahilanan ng mga viewers ng Marmalade Boy kung bakit love na love nila ito, siguradong hindi makakatiis ang GMA na ibalik ito. Kailan kaya mangyayari ito?

Baka naman ang mga taong kahawig ng sitwasyon nina Ginta, Arimi, Meiko, Mr. Namura, Miki at Yuu, kahit yung mga parents ng dalawa ay GUILTY sa kanilang mga pinag-gagagawa?

Baka akala nila, BIHIRA ang mga relasyong TEACHER-STUDENT? May narinig na akong ganyan...

Tutok lang, mga anime kabayan!
----------------------------
Matutunghayan na rin ninyo ang ANIME KABAYAN: The Way "Eye" See It (Friendster Blog Edition) sa http://www.anime_kabayan.blogs.friendster.com/

2 comments:

Jamibu A.K.A. Zen119 said...

May balita ako. Ilalgay raw sa hapon ang Marmalade Boy sa GMA. Sinabi sa akin ng dubber ng Marmalade Boy na si sir Angelo Crisolo. Hindi lang niya sinabi kung ipapalit sa Glass Shoes pero baka doon nga siguro ito ilalagay.

45% normal. Ngek!

Ten said...

I haven't seen the tagalized dub of Marmalade Boy. But considering the apparent theme of the programme, conservative groups could mark this point against MB. Tsk, tsk, tsk. However, I do agree that intelligent scheduling is a much more suitable solution other than the immediate pulling of the series.

Argh, I wish there's a way I can watch this version.