Dumating na naman tayo sa puntong napuno na ang salop ng mga anime fans. Nagkataong araw mismo ng kaarawan ko at naisipan kong gawin ang bagay na hindi ko akalaing mangyayari...
Noon pa man, iniisip ko na kapag anime ang paksa ng mensaheng ipapadala ko sa kanila, malamang na balewalain ito... Pero nang ipadala ko ang e-mail message ko sa tabloid na Abante, sa pamamagitan ng e-mail address ng entertainment columnist na si Mr. Jojo Gabinete, agad itong naipublish kinabukasan...
http://www.abante.com.ph/issue/may1905/showbiz_jg.htm
Bago ko ito nakita, tumingin muna ako sa iGMA Message Board, partikular na sa Anime section, may nakita akong topic na may pamagat na "Hinaing ng isang Kapuso at ng lahat yet we love you". Naroon din ito sa Kapuso Area section. Nang tiningnan ko ito, nagulat ako nang makita ko ang e-mail message ko na nakapost doon. Kaya nag-isip ako, "Napublish ba ang sulat ko?". Inusisa ko ang Abante website at nagulat ako, NAPUBLISH ang sulat ko!
Pagkatapos nito, marami akong natanggap na mga e-mail message at mga pagbati mula sa mga kapwa ko anime fans. Ang isa sa kanila ay nakipag-chat pa sa akin. Hindi nila akalain na 21 years old na ako sa kabila ng sinasabi nilang VERY SENSIBLE ang sinulat ko at pawang TOTOO naman ang nagiging sitwasyon.
Bagamat marami ngang mga anime fans ang pawang nagrereklamo, wala daw silang nakita o nabasa sa message board na ganun kalawak ang komentaryo ko...
Para sa lahat ng mga nagbigay sa akin ng suporta, papuri mula sa mga message boards ng GMA 7, ABS-CBN... MARAMING SALAMAT PO! Hindi ko po ito magagawa kung wala ang mga katulad ninyo...
Ang anime dito sa Pilipinas bilang SAKRIPISYONG TUPA ay isa sa mga terminong ginagamit ng mga anime fans ngayon. Ang pinakabagong term ngayon, mula kay kenshinflyer...
ANIME INJUSTICE
When I feel anime injustice, ang karapatan, pribelehiyo at tinig ko bilang anime fan ang ipinagkakait... Ano nga naman ang silbi ng mga message boards ng mga TV networks na PANGAKO nilang kung ano man ang hinaing, panukala ng manonood kung HINDI NILA ITO PAKIKINGGAN?
Doon sa mga taong MINAMASAMA ang ginawa ko para sa kanila, HINDI NINYO KAYA ang ginawa ko! You don't have enough GUTS para gawin ang katulad nito! Bakit? IPAPATAY BA KAYO? Kung ganun lang naman ang katuwiran ninyo, HANDA AKONG MAMATAY! Nandito lang naman ako sa San Pablo City, Laguna! Hindi kayo mahihirapan sa paghahanap sa akin!
LAHAT ng kaparaanan ginagawa ko para maiparating dito sa San Pablo City ang anime! Naging disc jockey ako ng isang local radio station, nagtayo ng website at itong anime commentary blog.
Sinasabi ko sa inyo ito, I'M NOT TAKING MY ANGER TO THE NETWORKS PERSONALLY! I'm not angry to the management, to their presidents and general manager, ano naman ang ibabato ko sa kanila? I'm mad to what they are doing, axing anime time allotment week after week...
Kung ano man ang nalalaman ko, hindi ko ipagkakait na ibahagi sa kapwa anime fans na ang natatanging kasiyahan nila ay manood lang...
MASAMA BA ANG GINAWA KO? Aaminin ko, I was banned from Anime-Club mailing list at message board, iyan ay dahil sinabi ko lang ang BUONG KATOTOHANAN!
MASAMA ANG LOOB KO SA INYO... Kayo na nga ang ipinaglalaban ko, kayo pa ang may ganang kuwestiyunin ang KREDIBILIDAD ko?
--------------------
Social Blog:
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa akin, Zen119, Keia, Sakura at sa lahat diyan sa ABS-CBN Message Board at sa iGMA Message Board.
----------------------------
Matutunghayan na rin ninyo ang ANIME KABAYAN: The Way "Eye" See It (Friendster Blog Edition) sa http://www.anime_kabayan.blogs.friendster.com/
6 comments:
Thanks sa pagbati mo. Wala yun. Naks, sikat ka na. :D
Tulad nga ng sinabi ko, bilib ako sa'yo. hindi ko kasi kayang gawin ang ginawa mo. Medyo hindi ako ganon ka-social na tao. Idinadaan ko na lang ang mga saloobin ko sa blog ko. Kung may makakita at mapansin ok lang, kung hindi ok lang rin.
Talaga, na-ban ka sa Anime-Club meesageboard(na ngayon ay wala na) at mailing list, bakit ano bang sinabi mo doon at na-ban ka? Kung ayaw mo rito sabihin, i-email mo na lang. Pwede mo akong pagkatiwalaan.
abangan nyo ang aking komentaryo sa blog ko na may kinalaman sa recent na pangyayari ngayon sa anime.
Whatever happened to "Anime Authority"? Pero tulad nga ng nakikita natin, wala silang pakialam kasi, no matter how much we throw tantrums through all forms of mass media, the fact still remains that we anime fans became a mere MINORITY. Ang gusto ng karamihan ang sinusunod ng mga networks. So dahil ang gusto ng lahat ay telenovela, yun ang ipapalabas nila.
Ang isa ko pang gusto kong ireklamo ay ang Studio 23 at ang policy nila sa pagpapalabas ng anime. Oo nga at walang cuts, pero pag pini-pre empt nila para sa PBL games, nandun ang problema. Alam kong di maiiwasan ang mag preempt, pero sa halip na ipalabas ang episode na naapektuhan ng ban, e ipapalabas nila ang episode PAGKATAPOS ng nasabing episode. Ano ba yan, kino-quota? Paano na ang continuity? Nakakainis, putol-putol tuloy ang pagkakapanood ko ng "GetBackers" at "Beyblade", di ko pa napanood ung mga di ko napanood nung mga una nitong run sa ABS-CBN.
zen119: Buhay na uli ang anime-club MB,in case na di mo pa alam. http://ac.iweb.ph
byakko_rei: kaya ganon ang policy ng Studio 23 kasi ang alam ko may naka-schedule nang programa na ipapalit sa isang patapos na palabas. Hindi naman kasi sila katulad ng ibang channel na puwedeng mag-ulit ng isang palabas unless kung nakahanda na ang ipapalit dito.
salamat sa pagsabi sa bagong url ng Anime-Club MB.
Patapos? Di ko yata na gets yon, nasa kalagitnaan pa lang ng series nung ginawa nila ang pagpuputol-putol.
Kahit ano pa ang policy nila, it can't change the fact that it's still bad programming.
byakko_rei: naka-schedule na yung episode na yun na ipalabas para sa araw na iyon. kung sakali mang na-preempt ito ng ibang show di na nila puwede na ipalabas yun sa susunod na araw kasi nga nakaschedule na na iyung episode na para sa araw na iyon ang ipapalabas at hindi na ang na-pre-empt na ep kahapon ang ipalabas dahil kapag natapos na ang run nito ay papalitan na ito ng ibang show na kaschedule na, gets!
pero sang-ayon naman ako sa iyo na bad programming yun. pero ano naman ang laban natin sa basketball. hindi naman puwedeng yung basketball ang i-prepreempt, di ba?
Hello,
ako po ay isang no. 1 fan ng Nadja ngayong Une hindi ko na po mapanood yon dahil may pasok na. suggestion po pwede po bang ilipat yung nadja tuwing hapon or pag satudays and sundays po please.... tiyak tataas ratings niyo trust me!!!!!!!!!!!
Post a Comment