Tuesday, May 31, 2005

ASHITA NO NADJA and MR. SURPRISE

Malamang na ito na ang blog entry ko bago mag-pasukan. Pero huwag po kayong mag-alala. Patuloy po ang inyong lingkod sa paghahatid sa inyo ng WALANG TAKOT at BUONG TAPANG na anime komentaryo. Sa darating na Agosto ay ilulunsad ng MAGTIBAY ANIME ang VERSION 2.0 ng kanyang website. Mas maraming impormasyon, at meron po tayong special section para sa GUNDAM SEED / DESTINY. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat po ako sa inyong walang sawang pagsuporta sa akin, mula sa pagiging disc jockey dito sa San Pablo City, sa pagtayo ng MAGTIBAY ANIME website, hanggang sa isinusulong kong laban para sa anime, maging sa mga loyalista namin diyan sa San Pablo City...

Now on to the topic. Ating pag-usapan ang dalawa sa pinakabagong anime series dito sa Pilipinas...

Unahin na natin ang "Mr. Surprise". Napapanood ito Lunes hanggang Biyernes ng 9:30 am sa ABS-CBN 2. Noong una ay napagkamalan namin itong Korean animation dahil sa istilong ginamit dito. Pero nang magsimula ito noong Lunes (May 30, 2005) nagulat ako nang makakita ako ng mga Japanese words sa pilot episode nito. Agad ko itong ibinalita sa mga kasamahan ko sa ABS-CBN Message Board. Dahil sa masinop kong pag-reresearch ay napag-alaman kong ang totoong title nito ay "Bikkuri Man 2000". Ipinalabas ang anime na ito noong 1999 sa Japan, naglalaman ito ng 52 episodes. Ang "Brave" na kilala natin ay "Takeru" sa Japanese name.

Noong una ay nagtaka ako. Bakit nga naman Brave? Pwede namang Takeru na lang? Bakit nga naman Mr. Surprise?

Anyway, medyo mawawalan ako ng pagkakataong mapanood ito dahil nga pasukan na this June. Pang-umaga ako kapag MWF at pang-hapon ako kapag TTH.

Next stop naman ang anime ng GMA 7, ang "Ashita no Nadja", napapanood ng Lunes hanggang Biyernes ng 8:30 am, pagkatapos ng Unang Hirit. Taong 2003 ito ipinalabas sa Japan, sa pananaw ni Genjo Sanzo, ka-level ng anime na ito ang "Ojamajo Doremi" na naipalabas last Holy Week. Well, may similarities nga. May 50 episodes ito. Noong una ay napagkamalan ko (na naman ^_^) ang anime na ito na kinuha from ABS-CBN 2. Spelling ang kaibahan, pero salamat kay Zen119, maliwanag na this is a different one. Napag-alaman ko rin mula sa kanya na ang nagboses ng Nadja ay siya ring nagboses bilang Misaki Suzuhara sa Angelic Layer.

Both animes ay nakakaintriga, according to some anime viewers. But nevertheless, parehong maganda ang mga animes na ito.

Lubha akong nagtataka, request ng mga anime fans na ilipat sa hapon ang Nadja at tanggalin na lang ang Flame of Recca. Mangyayari kaya ito? ABANGAN!

----------------------------
Matutunghayan na rin ninyo ang ANIME KABAYAN: The Way "Eye" See It (Friendster Blog Edition) sa http://www.anime_kabayan.blogs.friendster.com/

No comments: