Wednesday, June 08, 2005

ONE PIECE and TENJOU TENGE; ASHITA NO NADJA viewers, NADAYA?

Mabilis ko nang ipapaliwanag ang sitwasyong ito na kinahaharap ng GMA 7 regarding sa One Piece, Tenjou Tenge at Ashita no Nadja...

1) ONE PIECE
Tulad ng kaso sa Naruto, ang One Piece ay PALABAS PA RIN sa bansang Japan...
sa kasalukuyan ay nasa 230+ episodes na sila...

WALA TAYONG MAGAGAWA sa puntong ito... MAKAKAPAGHINTAY muna tayo bago maipalabas ng GMA 7 ang mga karugtong ito... (sa kaso ng Naruto sa ABS-CBN, halos isang taon ang itinagal para madugtungan ito...)

DAPAT LANG, dahil ALAM ng GMA na BIG HIT ang One Piece... kaya sa mga nagpupumilit sa sitwasyong ito, ITO ANG KATOTOHANAN!


2) TENJOU TENGE
Huwag na ninyong TANGKAING magreklamo... kung nababasa ninyo ang mga pahayag namin sa iGMA.tv Message Board at ABS-CBN Message Board, MALINAW na may mga eksenang HINDI talaga dapat makita, kaya naman makikita ninyo, MALINIS ang pagkakaputol... kung IPAGPIPILITAN ninyo ang bagay na ito, hindi lang ang TenTen ang malalagay sa alanganin, kundi ang LAHAT ng anime! Palagay ko naman, na-review ito ng mahusay ng MTRCB... Ang ayaw kong mangyari ang may MAKIALAM na mga PULITIKONG walang ginawa kundi ang magpapogi lang!


3) ASHITA NO NADJA
Isang EXPOSE ang inilantad ni Mithril ng iGMA.tv Message Board! Ang pinapanood nating Nadja tuwing umaga ay DALAWANG EPISODES na siniksik sa 30 minuto! Isa itong MALAKING KATANGAHAN! Ibig sabihin, ang inaasahan nating MAHABANG pagsubaybay natin sa Nadja ay matatapyasan sa halos kalahati!

Ano ba ang dahilan nito? Nabanggit ni Mithril noong una tungkol sa anime na ito na kapag ang anime na ito ay hindi nakaporma ng maayos sa ratings ay agad itong tatanggalin. Sa tingin ko naman ay maganda naman ang ipinapakita nitong feedback mula sa mga viewers, pero nang pinasabog ang EXPOSE na ito, agad namang umalma ang mga manonood.


Sigurado ako, marami pang mga KALOKOHAN ang mangyayari sa anime...
Tandaan ninyo, AKO mismo ang nagsasabi sa inyo...
TULOY PA RIN ANG KRISIS!

----------------------------
Matutunghayan na rin ninyo ang ANIME KABAYAN: The Way "Eye" See It (Friendster Blog Edition) sa http://www.anime_kabayan.blogs.friendster.com/

No comments: